Artwork

Contenido proporcionado por 中国国际广播电台 and Asia Wave. Todo el contenido del podcast, incluidos episodios, gráficos y descripciones de podcast, lo carga y proporciona directamente 中国国际广播电台 and Asia Wave o su socio de plataforma de podcast. Si cree que alguien está utilizando su trabajo protegido por derechos de autor sin su permiso, puede seguir el proceso descrito aquí https://es.player.fm/legal.
Player FM : aplicación de podcast
¡Desconecta con la aplicación Player FM !

Napapanahong pagpapalitan ng impormasyon at balita, kailangan ng media ng Pilipinas at Tsina – Embahador Jose Santiago Sta. Romana

11:17
 
Compartir
 
Fetch error

Hmmm there seems to be a problem fetching this series right now. Last successful fetch was on January 14, 2024 01:21 (10M ago)

What now? This series will be checked again in the next day. If you believe it should be working, please verify the publisher's feed link below is valid and includes actual episode links. You can contact support to request the feed be immediately fetched.

Manage episode 340632995 series 1072658
Contenido proporcionado por 中国国际广播电台 and Asia Wave. Todo el contenido del podcast, incluidos episodios, gráficos y descripciones de podcast, lo carga y proporciona directamente 中国国际广播电台 and Asia Wave o su socio de plataforma de podcast. Si cree que alguien está utilizando su trabajo protegido por derechos de autor sin su permiso, puede seguir el proceso descrito aquí https://es.player.fm/legal.
Beijing – Sa eksklusibong panayam ng China Media Group – Filipino Service (CMG – FS) kay Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina sa sidelines ng ASEAN Media Partners Forum, Hulyo 14, 2021, sinabi niyang napakahalaga ang nasabing kaganapan dahil ito ang magsusulong ng kooperasyon sa pagitan ng mga media ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, lalo na sa larangan ng rehiyonal na pag-unlad at mutuwal na pagkakaunawaan. “Ito ay partikular na mahalaga, kasabay ng pagpo-promote ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), mutuwal na kalakalan, at pag-unlad sa bawat bansa,”aniya. Di-mahahalinhang papel ng media sa pagpapasulong ng kalakalan, pagtitiwalaan at pagkakaunawaan Sinabi ni Sta. Romana, na ang papel ng media ay may di-matatawarang halaga sa pagsusulong ng pambansang kamalayan at importansiya sa pagpapabuti ng ekonomikong pag-unlad. “At kasali rito ang pag-promote ng kalakalan sa ibat-ibang trade partner; kaya naman, mahalaga ang kooperasyong pang-media, dahil kailangan nating isulong ang mutuwal na pagtitiwalaan, mutuwal na kompiyansa, at mutuwal na pagkakaunawaan,”anang embahador. Aniya pa, ang ASEAN at Tsina ay magkapit-bahayan at malapit sa isat-isa: may pinagbabahaginang karagatan at may pinagbabahaginang hangganang panlupa, kaya nararapat lamang na ang papel ng mga media ng kapuwa panig ay higit na mas malaki sa pag-u-ulat lamang ng mga balita tungkol sa kani-kanilang bansa, bagkus, kailangang maisiwalat nila ang mga pag-unlad na nangyayari sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon tungo sa pagtatatag ng mas mainam na pagkakaunawaan. “Sa prosesong ito, hindi lang natin maipo-promote ang rehiyonal na pagkakaunawaan at istabilidad, kundi, maisusulong din natin ang rehiyonal na pag-ahon," diin ni Sta. Romana. Napapanahong pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ng Pilipinas at Tsina, hinihikayat Para naman sa mga media ng Pilipinas at Tsina, iminungkahi ng embahador na kailangang magkaroon ng napapanahong pagpapalitan ng impormasyon at balita. Bagamat mayroon pa ring pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), na naglilimita sa pagbibiyahe ng mga mamamahayag, sinabi ni Sta. Romana, na sa bawat lugar, mayroon pa ring mga diyornalista, at sila ang nakakapag-ulat kung ano ang nangyayari sa Tsina at Pilipinas. Mahalaga aniyang magkaroon ng malakas na kooperasyon ang dalawang bansa sa larangang ito. “Para roon ay magkaroon ng mas maraming balita na first hand, kung ano talaga ang nangyayari sa isang lugar, papaano kinokontrol ang pandemiya sa Tsina, papaano nagawa ng Tsina itong halos balik sa normal nang situwasyon, papaano nasugpo iyong virus. At sa [dako naman ng] Pilipinas, papaano matututo [mula] sa Tsina, at papaano rin mapapahusay pa ang trabaho sa Pilipinas,”dagdag ng embahador. Ipinagdiinan niyang kailangang magkaroon ng pagpapalitan ng karanasan at pagpapalitan ng balita, upang sa ganoon, hindi lamang mas malawak na pananaw sa isang komunidad ang maisusulong, kundi, mapapalawig din ang ating pagkakaunawa sa rehiyonal at internasyonal na lebel. “Partikular ngayong panahon ng pandemiya, ito ay may napakahalagang katuturan. Hindi man tayo maaaring magbiyahe, pero, sa pamamagitan ng media, mas maraming makikita ang ating mga mata, at mas marami tayong matututunan mula sa karanasan ng ibang bansa,”hayag ng embahador. Kaugnay nito, sa pag-uusap nina Sta. Romana at An Xiaoyu, Direktor Heneral ng Asian and African Languages Programming Center ng CMG bago magsimula ang porum, sinabi ni An, na may mga pribadong media sa Pilipinas na hindi direktang kumukuha ng impormasyon mula sa mga media ng Tsina, at sila ay dumedepende lamang sa mga kanluraning media. Dahil dito, ani An, naibabalita sa mga Pilipino ang ilang hindi aktuwal at hindi tamang impormasyon hinggil sa Tsina. Dagdag ni An, ang mga kanluraning media ay may maliwanag na pagkiling laban sa Tsina. Tungkol dito, sinabi ni Embahador Sta. Romana, na kailangan talagang mapalakas pa ang pagtutulungan ng mga media ng Pilipinas at Tsina upang maiwasan ang mga situwasyong nabanggit. “Ang mahalaga diyan ay mahusay na paraan ng pagbabalita. Kailangan din ay matuto tayo kung papaano mag-ulat sa paraan na makukuha ang interes ng mga tao – maiintindihan nila. Kaya, ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mas maraming balita upang mas marami tayong matutunan, at mas itaas ang kakayahan ng mga mamamahayag at palawakin ang impluwensiya ng mga media ng dalawang bansa,” dagdag niya. Hindi aniya ito madaling gawin, at kailangan ang maraming pagpupunyagi at pondo, pero upang makamtan ang layuning ito, kailangang isagawa ang pagbabahaginan ng karanasan at mas maraming pagpapalitan. “Ang pinakamahalaga sa tingin ko ay mas malawak at mas matapat na pag-uulat. Ang lahat ay hindi perpekto, kaya kailangan lamang ay i-ulat ang mga pangyayari sa makatarungan at balanseng paraan,” saad ni Sta. Romana. Ang 2021 ASEAN Media Partners Forum ay idinaos bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue relations ng Tsina’t ASEAN sa taong ito. Sa ilalim ng temang“Kooperasyon ng Media at Pagtutulungang Panrehiyon,”inilunsad ng CMG at mga ASEAN media organization sa porum ang mas pinalakas na partnership para maisulong ang kooperasyon sa pagpapalitan ng mga balita at materyales, magkasamang produksyon, magkasabay na pagtangkilik ng mga aktibidad, pagtutulungan laban sa COVID-19, at pagpapasulong ng kasaganaan ng Tsina't ASEAN. Bukod kay Embahador Sta. Romana, lumahok din sa pagtitipon si Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), at iba pang 100 panauhin mula sa mahigit 30 media at organisasyon. Ang 2021 ASEAN Media Partners Forum ay itinaguyod ng CMG.
  continue reading

108 episodios

Artwork
iconCompartir
 
Alle Folgen

×
 
Loading …

Bienvenido a Player FM!

Player FM está escaneando la web en busca de podcasts de alta calidad para que los disfrutes en este momento. Es la mejor aplicación de podcast y funciona en Android, iPhone y la web. Regístrate para sincronizar suscripciones a través de dispositivos.

Guia de referencia rapida