OWC 001 - Mayamang Hangal
MP3•Episodio en casa
Manage episode 156595846 series 1193908
Contenido proporcionado por Our Weekly Cookie Podcast and Ron Sarte Banzagales. Todo el contenido del podcast, incluidos episodios, gráficos y descripciones de podcast, lo carga y proporciona directamente Our Weekly Cookie Podcast and Ron Sarte Banzagales o su socio de plataforma de podcast. Si cree que alguien está utilizando su trabajo protegido por derechos de autor sin su permiso, puede seguir el proceso descrito aquí https://es.player.fm/legal.
Theme: Mag-impok ng Kayamanan sa Langit Kaibigan, kung ikaw ay bibigyan ng isang milyong piso, anong gagawin mo dito? Siguro, ipagagawa mo ng bahay o ipamimili mo ng kailangan mo, o baka ipambabayad ng utang o kaya naman itatayo ng negosyo. Ano bang gagawin mo? Mayroon akong kuwento sayo patungkol sa isang mayaman na umani ng sagana.Pakinggan mo kung anong plano niyang gawin sa kanyang ani. Ang maikling kuwentong ibabahagi ko ay matatagpuan sa Lukas kabatana 12, mga talatang 13-21. Ang Talinghaga Tungkol sa Isang Mayamang Hangal Ang bukirin ng isang mayaman ay umani ng sagana. Kaya’t nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Oo, doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan! Marami na akong ari-arian! Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya’t mamamahinga na lang ako, kakain, iinom at magsasaya!Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabing ito’y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’ Ganyan an sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos. Lukas 12:13-21 Ayon sa kuwento, mayroong isang mayaman na sobrang dami ng ani kaya naisip niyang mamahinga at magpakasaya na lang sa buhay. Akala niya mangyayari ang mga plano niya ngunit sa oras ding iyon, binawi ng Diyos ang buhay niya. Sa madaling salita, siya ay namatay. Ang buhay nga natin dito sa mundo ay walang katiyakan. Walang katiyakan kung hanggang kailan tayo mabubuhay at kung kailan tayo mamamatay. Magpayaman man tayo nang magpayaman, mapapakinabangan natin ito pansamantala pero paano kapag tayo ay patay na? Sinasabi sa Mateo kabanata 6, talatang 20-21, “Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.” Ang mga talatang ito ay nagsasabing mas bigyan natin ng pansin ang pag-iipon ng kayamanan sa langit kaysa sa kayamanan ditto sa lupa. Magagawa nating makapag-ipon ng kayamanan sa langit sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, pagtanggap sa kanya sa ating buhay, pagkaroon ng relasyon sa Kanya, paglingkod sa Kanya at sa ating kapwa. Ngunit hindi ko naman sinasabi na hindi na tayo magtatrabaho o mag-iipon ng pera. Kailangan pa rin iyon. Mas bigyan lang ng halaga ang mga bagay patungkol sa Diyos dahil ang sinumang nagpapahalaga sa kanya ay hindi naman niya pababayaan. Manalangin tayo. Panginoong Diyos, lumalapit po kami sainyo at nagpapakumbaba. Patawarin niyo po kami dahil nakatuon lang ang aming isip at puso sa mga bagay ditto sa mundo. Baguhin niyo po kami at tulungan niyo po kaming makapag-impok ng kayamanan diyan sa langit. Tulungan niyo po kami na makilala pa naming kayo ng lubusan. Gamitin niyo po ang aming buhay upang makapaglingkod kami sa inyo. Ito po ang aming dalangin sa pangalan ni Hesus, amen. ~ Story by Janeth Dasco
…
continue reading
4 episodios